Back to Updates
KUMPIL 2026
Events News May 11, 2026 Diocese of Gumaca

KUMPIL 2026

Kumpilan 2026 — Hondagua Parish

Sakramento ng Kumpilan

Gabay sa Kumpilan 2026

Narito po ang lahat ng impormasyon at mga kailangan para sa ating Kumpilan sa parokya. Mangyaring basahing mabuti.

Kumpilan

May 13, 2026

10:00 ng Umaga

Seminar

May 2, 2026

Sabado, 8:00 ng Umaga

Deadline ng Requirements

May 5, 2026

Martes, hanggang 12 ng Tanghali

Mga Requirements

Ano po ang mga Requirements?

  • Bagong buklat ng Baptismal Certificate (ORIGINAL) — may nakalagay na PURPOSE: FOR CONFIRMATION
  • Mass Card na may 8 simba — na may nasimulan nang pagsimba
  • MSK Recommendation — para sa mga barangay na may MSK
  • Ninong & Ninang (PHOTOCOPY)
  • Confirmation Certificate / Katibayan ng Kumpil — kung dalaga/binata at walang kinakasama
  • Marriage Contract (PHOTOCOPY) — kung kasal. Hindi maaari ang kasal sa huwes at ibang sekta.

PALALA: Kung hindi makakarating ang kinuhang Ninong/Ninang ay kinakailangan din magpasa ng papeles ang tatayong proxy.

Mga Karaniwang Tanong
1
Kailan po ang SEMINAR?

Ang seminar po ay sa May 2, 2026 (Sabado), 8:00 ng Umaga. Dito rin po sa simbahan.

2
Kailan po ang DEADLINE ng mga requirements?

Ang deadline po ng requirements ay sa May 5, 2026 (Martes) hanggang 12 lang ng tanghali.

3
Paano po kung hindi dito bininyagan? Magpapabuklat pa rin po ba?

Opo. Kinakailangan pong magpabuklat ng panibagong Baptismal Certificate upang ma-check at ma-update po ang record kung may mga pagkakamali na kinakailangang baguhin.

Kailangan pong palagyan ng purpose na FOR CONFIRMATION ang bagong buklat na baptismal.

4
Paano po kapag hindi pa kompleto ang pirma sa Mass Card?

Kapag po hindi pa kompleto ang pirma sa masscard, maaari pa rin po kumpilan, subalit hindi pa makukuha ang Confirmation Certificate at iba pang requirements na ipinasa.