First Tuesday Devotion
Ngayong unang martes ng buwan, sama-sama tayong manalangin at mamintuho sa ating Santo Patron na si San Antonio de Padua.
Panalangin Kay San Antonio Ng Padua
Prayer to St. Anthony of Padua
O maluwalhating San Antonio, pinili ka ng Diyos na ipabatid sa daigdig ang iyong kabanalan upang maakit ang marami sa paggawa ng kabutihan. Hilingin mo kay Hesus na hawak mo sa iyong bisig ang mahigpit ko ngayong pangangailangan.
Samahan mo ako sa aking panalangin sapagkat ang dasal ng isang banal na kagaya mo ay dinirinig ng Diyos. Pagkalooban nawa ako ng Panginoon ng tanda ng Kaniyang pagmamahal, pagkalinga at paggabay. Sa tulong mo, nawa’y ipagkaloob Niya sa akin ang kaganapan sa buhay at pag-ibig na walang hanggan. Amen.
San Antonio ng Padua, ipanalangin mo kami!


